HELLO JULY! It's been a while since my last post.I'm glad I had the chance to have some quick post even though we're too busy in our thesis proposal. Anyways this post is about our homework, Art Appreciation through creative writing. We were told to make a Poem about our past love and an Essay about ourselves entitled: "Ang Buhay ay isang Pelikula at Ako ang Bida"
So here's my Poem. :)
TSINELAS
"the hardest and painful part in LOVE is to let go."
Sa daang patag o kahit lubak
Ikaw ang kapares sa paglalakbay
Sa bawat sandali aking karamay,
Kakambal ng paa, hatid mo ay galak.
Sanggang-dikit ang turing sa'tin
Pinagtagpo ng tadhana ang 'yong tingin.
Plano ng Diyos ang aking panalangin,
Sana magtagal pagsasama natin.
Sa goma nakainprenta mga pangako sa isa't-isa.
Kulay na iba't-iba, simbolo ng magagandang alaala.
Disenyong di tulad, nagsasabing tayo'y may pagkakaiba.
Ngunit sa kabuuan tayo ay magkapareha.
Sa tuwing kabiyak ay mawawala
Bakas sayo ang pag-aalala;
Hindi man magkasabay sa paglalakad
Batid ko naman ang pagpapahalaga.
Sa hirap at haba ng paglalakad
Goma ay napudpod, kabiyak ay napigtal.
Pinilit isalba ang nasirang Tsinelas
Ngunit huli na, wala na kong nagawa.
Naiwang nagiisa, hindi alam kung san pupunta
Kung ikaw ay wala silbi ko ay di tiyak.
Ano pang saysay kung di ka kapiling?
Di ba't patapon ang turing sa akin?